Wednesday, February 2, 2011

OMBUDSMAN'S QUESTIONABLE DEFENSE OF GARCIA PLEA BARGAIN

Ombudsman Merceditas Gutierrez’s defense of the plea bargain deal between her agency and former military comptroller Carlos Garcia left more questions than answers on the justification of the agreement.

She should be investigated as intensely as Garcia.

Gutierrez said the information filed against Garcia only stated that he accumulated wealth because of contracts without any mention of who and what kind of contractors they were.

Madam Ombudsman, IMPOSIBLENG WALANG PANGALAN ang mga contractor na ka-deal ni Garcia sa records sa Armed Forces General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

But quite obviously, you did not request for the names. WHY?

Natunton ang mga HINDI MAIPALIWANAG na yaman ni Garcia tulad ng condominium sa Amerika, mga sasakyan at milyun-milyong deposito sa bangko. Kumbaga, pisikal na ebidensiya na ang mga ito.

Garcia’s salary was only P37,000 a month. But even if it’s UNEXPLAINED wealth, Gutierrez says it’s still weak evidence simply because the alleged sources were not identified.

Ano ang ibig mong sabihin, Madam Ombudsman, baka naman tumama sa lotto si Garcia kaya yumamam, ganun ba?

Gutierrez said the audit investigation and report by former state auditor Mendoza only pointed to AFP transactions without linking Garcia. 

Kung gayon, paano ilalarawan ang isang voucher na PINIRMAHAN ni Garcia para sa isang P200-million na tseke na matapos na mai-encash ay NAWALAN na agad ng P50 milyon?

Mendoza had revealed that of the P200 million, P50 million was deposited to the United Coconut Planters’  Bank on Tordesillas St. in Makati under an UNKNOWN account, WITHOUT A DEPOSIT SLIP and record but with a passbook.
I
MPOSIBLENG HINDI ALAM ni Garcia ang naging galaw ng pera  dahil sa laki ng halaga.  Isa pa, pinangalanan ni Mendoza ang manager  ng UCPB Tordesillas kaya’t puwedeng kumpirmahin ditto ang mga snabi ni Mendoza.

Mendoza has a copy of the check.

But despite the names, facts and figures, physical evidence, documents and paper trail, all these are still weak evidence versus Garcia as far as Gutierrez is concerned.
Your guess of the reason why is as good as mine, guys!
                                                                        ***
RAFAELGOMEZ of Makati City on “UNTOUCHABLE JUETENG:”
Madali kasi magsalita kapag oposisyon ka... ngayon si PNoy ang presidente sa dami ng prblemang kinakaharap ng Pilipinas, di na nya alam kung ano ang uunahin. Minsan kapag naiipit sya sa mga ambush interview. nagsasalita nang hindi pinag-iisipan tapos bubuwelta pag nabatikos at galit pa... DI BA GANYAN ANG GAWAIN NILA NOON. HANGGANG NGAYON KE GLORIA? Tama si Anonymous bakit kaya playing safe si PNoy sa jueteng? Dahil ba sa alam nyang di nya kayang sugpuin ito? O dahil ito lang ang puwedeng kumita sya na di galing sa pondo ng gobyerno? Totoo bang kaya nyang panindigan ang paglakad sa tuwid na daan? Ilang daang milyong piso ba ang ginastos sa kampanya? Mababawi nya ba ito sa kakarampot na sweldo at allowance? NAGTATANONG LANG PO.


No comments:

Post a Comment